TRAVELBOOK NOW!

Friday, December 18, 2009

Christmas Carol

Malapit na ang Pasko kung kayat marami na din ang nagka-caroling na mga bata sa bawa t bahay bahay.
Dala ang kanilang tambol na yari sa lata at plastic, tambourine na gawa sa pinitpit na tansan at maracas na yari mula sa bao ng niyog na nilagyan ng mga bato sa loob. Kung wala namang mga improvised na instruments na ito ay pwedeng palakpak na lang ng kamay ay aarya na.

Naranasan ko rin ang mangaroling nung bata ako. At para sa akin nun, napakasarap ng feeling kapag maabutan ka ng barya ng mga bahay na inaawitan mo. Feeling heaven na kami nun kapag nabigyan na kami ng piso sa bawat bahay.


Kapag nakapagbigay ng barya ay dumadagundong ang " thank you thank you thank you very much thank you"
na pasasalamat namin. Kapag di nakapag-abot ni isang kusing at sisigawan pa kami ng " patawaaadddd! "
ay umaalingawngaw na " thank you thank you, ang babarat ninyo thank you" ang aming sinisigaw.

Nung magdalaga este magbinata na ako ay nagkaroling din kami ng grupo namin sa Simbahan. This time ay iba naman ang ambience dahil kumpletos rekados na ang instrumento namin tulad ng gitara, tambourine, maracas at minsan ay timpani drum; with matching opera-like voices na ume-echo sa buong kalsada sa aming pagsasalimbayan- hindi katulad nung bata pa kami na di mo alam kung saan papunta ang aming tinig-sa Cubao ba o sa Recto.

At this time ay bongga na ang bigayan ng pera-nakasobre na, at hindi lang basta barya, salaping papel na ang nakalagay sa solicitation letter na aming iniaabot. At kung minsan ay patutuluyin pa kami sa bahay para mag "meryenda".

Sari sari na ngayon ang nagka-carolling, hindi na lang mga bata. Marami na ang matatanda; at minsan pa nga ay mga senior citizen na ay nangangaroling pa rin. At imported na rin ang iba; tulad ng mga badjao sa Sulu, Ita sa Zambales at Pampanga at mga Igorot sa Benguet. Marami na ring nangangaroling sa kalsada, sa jeep, sa bus at ngayon pati sa mga mall! O debah naman, onli in da Pilipins. Bilib naman ako sa mga kabarangay na nakita ko sa Rated K ni Ate Koring na imbes na sila ang bibigyan, ay sila pa ang namimigay ng aginaldo sa bawat bahay na kanilang tatapatan ng carolling - saludo naman ako sa inyo!

Tunay nga namang malayo na ang naging evolution ng carolling dito sa Pilipinas hindi tulad nuon na monopolized lang ng mga bata.

At any rate, parte na ito ng Kapaskuhan sa Pilipinas kaya hindi naman natin mapipigilan. Huwag naman sanang matulad dun sa nangyari sa awiting Kagat Ng Aso ni Andrew E na ang mga nagkacaroling ay ipinalapa sa aso, o kaya yung naibalita sa TV na ang mga carollers ay tinapunan ng paputok kaya nadisgrasya pa ang mga kawawang revellers.

As the old song goes: " Happy days are here again..." Minsan lang naman ito sa buong isang taon,debah naman.

No comments:

Post a Comment