TRAVELBOOK NOW!

Monday, December 28, 2009

Brother Louie



Kaarawan ngayon ng aking nag-iisang kapatid na si Louie. Trenta y sais na siya ngayon.

Dalawa lamang kaming magkapatid. Pareho pang lalaki ( este babae pala ang isa he he he.)

May isa sana kaming kapatid na babae, sumunod sa akin. Kaso nakunan si Mama , kaya hayun, di natuloy ang pagkakaruon sana namin ng isang unica hija ( kaya tuloy naipasa sa akin ang katungkulan na maging unica hija he he he.)

Bata pa lamang kami ay ander na ako sa maraming bagay ni Louie. Siya ang pinakamagaling at maraming alam sa aming dalawa.

Habang nag-aaral nang magmaneho ng owner si Louie nuon, ako naman ay busy pa sa pakikipag-luksong tinik sa aking mga kalaro. Habang nagsisikap mag-aral si Louie nuon sa Kolehiyo, ako naman busy sa pagtitipa ng makinilya para magsulat.

Ang resulta: kabalintunaan ng bawat isa sa amin.
Kung si Louie ay nakapagtapos, ako hindi.

Kung si Louie ay matapang ang loob kaya nakapangibang bansa, ako naman sobrang duwag kaya hindi maka-alis alis sa pundya ng aking pamilya.


Kung si Louie ay nakapag-ipon ng pera kaya umasenso,ako naman ay naging waldas at bulagsak kaya hanggang ngayon ay umaasa sa PAL.

Marami kaming pinagtalunan. Maraming pinag-awayan. Ilang beses na niya akong napaiyak.

But in the end, kapag kailangan ko ng tulong, siya lang naman palagi ang aking naaasahan at nahihingian.

Isang beses na nilait ako ng isang kakilala, nakipagsuntukan para ako'y ipaglaban.

Brother Louie. My one and only brother in this world.

Happy birthday!

At sana'y marami pang taon ang ating pagsamahan, bilang magkapatid na nagmamahalan!

Cheers 'tol !!!!

No comments:

Post a Comment