TRAVELBOOK NOW!

Sunday, December 13, 2009

Anosmia



Uso ngayon ang sipon dahil sa sobrang lamig ng panahon.
At kaakibat ng sakit na sipon ay ang pagkakaruon ng Anosmia- ito iyong pagkawala ng iyong pang-amoy sa kahit na anong bagay dulot ng pagbara ng mucus secretion sa iyong ilong o sinuses.

Naranasan ko ito ilang araw na lately at masasabi kong mahirap palang mawalan ng ilong!
Sa ilang araw lang na pagkawala ng aking pang-amoy ay ilang sinaing ang nasunog ko dahil sa hindi ko pagkakaamoy na nagiging tutong na pala ang sinaing ko. Kung hindi pa tumatakbong pumasok si Father para sigawan akong " sunog na ang sinaing " ko ay di ko malalaman. At not once, not twice, but thrice na nangyari huh dahil ako ang nakatokang magsaing sa amin he he he he. Kaya hayun ilang araw na napurga ang tiyan ng mga paryentes dahil sa tutong na hain ko sa kanila he he he he.


At nung isang araw din na nagluto naman ako ng Asado fillings para sa aking Puto pao recipe, di ko namalayan na nangingitim na pala ang kawali na pinagbabaran ko ng mixings at muntik pang lumagablab ang aming kusina dahil nasusunog na ang aking nilulutong palaman.

Hayun, tustado ang kinalabasan ng aking asado. Nasayang lang ang isang kilo ng baboy na ang mahal mahal pa naman ngayon.

Pero may benefit din naman pala kapag wala kang pang-amoy. Kasi hindi mo na kailangang magtakip pa ng iyong ilong kapag umiihi ka sa urinal ng MMDA o public CR na panlalake he he .

At kahit nung walisin ko ang patay na daga sa aming bahay, keri lang dahil di ko maamoy ang "aroma" ng inuuod na katawan niya.

Di ko tuloy namalayan na umaapaw na pala ang aming basurahan na nilalangaw na.

Pero gusto ko pa rin ang may pang-amoy. Kasi gusto ko pa ring lasahan ang tamis ng aking pabango. O ang halimuyak ng mga bulaklak. At ang samyo ng umagang puno ng hamog ang paligid at laway ang iyong bibig.

Di ko na rin kasi masinghot ang sarili ko kung may putok na ba ako o kailangan ko nang mag-toothbrush.

At gusto ko nang malasahan ang kinakain ko. Kahit pa adobong manok na may laurel at anis at pandan at tanglad at sangkatutak na sibuyas at bawang pa ang kinakain ko eh parang kanin lang ang nilalantakan ko huh.

O ilong ko, bumalik ka na sa akin, namimiss na kita ! Ayoko nang maging Anosmic.

Kahit sarat ka pa , basta nakakaamoy , the nose knows best!

No comments:

Post a Comment