TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, November 17, 2009

Si Willie at ang Wowowee










Halatang napapagod na si Willie sa Wowowee.








Kitang kita ito sa rehistro niya sa TV. Hindi na siya masyadong ngumingiti, kulang na sa energy, madalas mainit ang ulo, at minsan ay nahuhuling nakasimangot. Halatang halata ito at madaling makita sa TV.








Ewan kung napapansin ito ng producer ng show at ng pamunuan ng Channel 2. O dinededma lang nila.








Natural lang naman ang nararamdaman ni Willie, dahil por Diyos por santo ba namang araw araw na ginawa ng Diyos, ay si Willie na lang ang buong laman ng show at kumikilos.








Minsan nakakaumay na.








Mula nang mag-umpisa ang Wowowee, ay yun at yun na lang palagi ang opening number nila; walang kawawaang sayawan at kantahan na nakakakulili na sa tenga.








Wala sigurong balak ang pamunuan ng show na magtagal ang show for another 30 years tulad ng Eat Bulaga! Eh kasi kung sa loob ng tatlumpung taon ay iyan ang makikita mo lagi sa show eh tiyak hindi ito magtatagal!








Kung ang Eat Bulaga ay nag-iinvest sa sangkatutak na mga host nila kahit halos wala nang ginagawa ang iba kundi dekorasyon, na pati ang Ryan Agoncillo ay kinontrata na rin, kabaligtaran naman ang Wowowee na si Willie lang ang pinagagalaw sa buong oras ng show.








At ang mga games , yun at yun na rin lang araw araw!








Nasaan na ang mga creative thinkers ng channel 2 at hindi i-overhaul ang Wowowee na yan.








No wonder, hindi ito makaungos sa rating dito sa Mega Manila. O satisfied na sila sa ratings nila sa mga probinsya? Pamprobinsya na lang ba ang Wowowee?








At wala na bang ibang magagaling na host ang channel 2 para at least pang- alis sawa man lang na tila ba dessert sa tanghalian ang pwedeng isama sa show para magkaruon naman ito ng kaunting variety at assortment?








Hayyy, nagtatanong lang po!!!!








No comments:

Post a Comment