TRAVELBOOK NOW!

Friday, November 6, 2009

Pasaway na Santino



Very positive at maganda ang mga asal na pinapakita ni Santino sa TV.




Pero may mga negative na attitude akong napapansin sa kanya.




Ito ay ang kanyang pagiging makulit at pasaway.




Dahil sa kapipilit ni Santino na hanapin ang kanyang mga magulang ay naligaw siya nuon sampu ng kanyang mga barkada sa gubat.




Kahit hindi siya pinapapunta nuon sa isang rali na nagaganap laban kay Mayor Enrique ay pumunta pa rin siya. Nabaril tuloy ang kawawang Santino.




Hindi siya pinapapapasok ni Father Jose sa loob ng kanyang pinagtatrabahuhan na kasa at pinapanatili lamang siya sa isang lugar, pero dahil sa kakulitan ni Santino ay nasangkot siya sa isang gulo na pinagkagalitan nila ni Mayor Enrique.




At kagabi, kahit hindi na siya pinapupunta ni Rico at ayaw na siyang kausapin nito, ay pumunta pa rin ang makulit na Santino.




Pero di bale, may positibo namang nangyari. Nagkabati na sila ni Rico he he he he.




Pakiusap of the day: " Bro, pakiusap lang po. Paalalahanan Nyo po naman si Santino na maiging sumunod sa utos ng mga nakakatanda para hindi siya mapasok sa anumang gulo . Please lang po!"

No comments:

Post a Comment