TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, November 11, 2009

Noynoy's Kampamercial


Ngayong gabi ko lang napanood ang campaign commercial (kampamercial) ni Senator Noynoy Aquino para sa pagtakbo nito sa pagka-presidente sa susunod na halalan.

Ito yung maraming dalang sulo ang mga tao papunta sa isang burol at duon ay magsama-sama para kay Noynoy.

Habang pinapanuod ko ito ,pakiramdam ko ay nanonood ako ng isang horror film: ang eksena; may hinahabol ang mga tao na manananggal kaya nakatingin sila lahat sa itaas at may dalang mga sulo!

Di ko maubos maisip kung ano ang sinisimbulo ng sulo para sa mamamayang Pilipino?

Para ilawan ang nadirimlan na mga Pinoy?

O para ilawan ang daraanan ng malabo ang mata na si Noynoy?

Ang theme ng patalastas: " Hindi Ka Nag-iisa"

Gamit na gamit na ng tatay niya. 1983 pa iyan, hanggang ngayon ba naman 2009 na?

Ano ang mensahe niya para sa Pilipino?

Na hindi na kami mag-iisa saan?

Sa kahirapan? Dahil pare-pareho na kaming mahihirap ha ha ha ha.

Sigaw of the day: " Erase , erase , erase " ala Aiza Seguerra sa Eat Bulaga childhood days niya.

No comments:

Post a Comment