TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, November 10, 2009

Marikina Animated Show

Nag-open ngayon sa Marikina City Hall Complex ang isang animated show tungkol sa mga eksena sa Kapaskuhan, reminiscent of the former show in COD Cubao.

Maraming mga bata ang natuwa at naaliw sa palabas na ito at muling nanariwa ang ala - ala ko sa dating ganitong palabas na idinadaos sa dating COD department store sa Cubao na tuwing Pasko ay dinadayo ng maraming mga tao.

Tuwang tuwa ako nuon sa aking napapanuod at aliw na aliw dahil sa kanilang kakaibang mga kulay, galaw at dekorasyon na labis kong kinagigiliwan. Laging ang daming tao nuon sa Cubao kapag ganitong panahon, at tunay na inaabangan ito taun taon at tila ba naging tradisyon na at bahagi na ng ating kasaysayan.

Sayang nga lamang at nang maglaho ang COD ay kasabay na rin nitong lumipas ang nasabing panoorin.

Salamat at muli itong binuhay ng Lungsod ng Marikina, na kasalukuyan pa ring bumabangon mula sa matinding hagupit ni Ondoy. Patunay lamang ito na tuloy pa rin ang Pasko sa kabila ng mga matitinding trahedya na ating naranasan.

Sapagkat ang diwa ng Pasko ay pag-asa - na hindi dapat mawala sa ating lahat, upang patuloy na lumaban at magsikap bumangon tungo sa bagong bukas.


Go go go Marikina! Bangon Marikina!



http://www.gmanews.tv/video/50542/fresh-hope-is-theme-of-animated-christmas-show-in-marikina

No comments:

Post a Comment