TRAVELBOOK NOW!

Friday, November 13, 2009

Madame Hillary Clinton






Katatapos lamang bumisita ng isa sa pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo, walang iba kundi si American Secretary of State na si Hillary Clinton, dito sa Pilipinas, partikular sa pinakanaapektuhang lugar sa bansa kaugnay ng pananalasa ng bagyong Ondoy, ang Malanday, Marikina.






Nakatataba naman ng puso na ang isang makapangyarihan at malaking tao ng Amerika ay tatapak sa isang hamak na eskwelahang tulad ng Malanday Elementary School, upang makiramay at tumulong sa ating mga nasalantang kababayan.






Grabe rin naman ang pinagdaanan ng babaeng ito tulad na lamang nang masangkot ang kanyang asawa, si Ex-president Bill Clinton sa eskandalo tungkol kay Monica Lewinsky.






Tulad ng mga taga- Marikina , ay matapang ring hinarap ng taong ito ang hamon at pagsubok ng tadhana at buhay dahil sa taas noo niya itong nalagpasan dahil sa kanyang katatagan at pananalig sa Maykapal.






Malay natin, ito palang si Aling Hilaria ang susunod na magiging Presidente ng Amerika - first woman president ng bansa kapag nagkataon, kapalit ng first black president ng Amerika na si Barack Obama.






Welcome to the Philippines, Madame Hillary!






We needed that!

No comments:

Post a Comment