TRAVELBOOK NOW!

Monday, November 30, 2009

Jose or Andres?




November 30 - ngayon ay ipinagdiriwang ang kaarawan ng bayani ng Katipunan na si Andres Bonifacio.

May mga nagsasabi na sana daw ay si Andres ang ating Pambansang Bayani imbes na si Jose Rizal.

At siyempre may mga tututol dito at sasabihing karapat dapat si Jose Rizal bilang ating Pambansang Bayani.

Ang dalawa ay pinagdedabatehan dahil na rin sa magkaibang klase ng lipunan ang kanilang nirerepresent.

Habang si Pepe ay gusto ng mga elitista, mayayaman at edukadong tao; si Andres naman ay nasa puso ng mga mahihirap, masa at di nakapag-aral na mga Pilipino.

Heaven and Earth apart ang klase ng pamumuhay ng dalawa nung sila ay isinilang. Kung si Pepe ay isinilang sa mayamang angkan ng mga Mercado at Realonda sa Calamba , Laguna, at nakapag-aral sa mga de-kalibreng eskuwelahan dito at sa abroad; si Bonifacio ay isinilang naman sa isang mahirap na pamilya sa Tondo at maagang naulila sa mga magulang kung kayat hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral.

Si Rizal ay isinulong ang isang mapayapa at maabilidad na pamamaraan ng rebolusyon; samantalang si Bonifacio ay sa isang matapang at agresibong paraan ng himagsikan ang pakikipaglaban.

May mga nagsasabing si Rizal ay matalino,pero duwag!
Habang si Bonifacio naman ay matapang, ngunit bobo!

Anut anuman, ngayong makabagong panahon ay parehong ipinagdiriwang ng sambayanan ang kanilang kagitingan: si Andres ay ang araw ng kanyang kapanganakan tuwing Nobyembre 30, at si Rizal naman ay ang araw ng kanyang kamatayan tuwing Disyembre 30.

Para sa akin, anuman ang dahilan ng iyong kamatayan dahil sa pakikipaglaban mo para sa ating bansang Pilipinas ay isang magiting na kabayanihan!

Kaya para sa akin, ang dalawang ito ay parehong Pambansang Bayani ng ating lahing Pilipino!

No comments:

Post a Comment