TRAVELBOOK NOW!

Monday, November 16, 2009

Ang Comelec at Ang Ladlad







Lumabas na ang desisyon ng Comelec para sa hinihinging accreditation ng Partylist na Ang Ladlad ( pinamumunuan ni Danton Remoto ) na nagrerepresent sa mga LGBT ( Lesbian, Gay , Bisexual , Transgender ) bilang isang grupo o representasyon.






Ang desisyon: NO






Hindi pinayagan ang grupong ito dahil sa isyu ng moralidad. Kesyo ayaw daw nilang malugmok sa kaimoralan ang ating mga kabataan.






Nuong nakaraang taon ay hindi tayo pinayagan dahil sa wala daw sapat na bilang ang ating representasyon.






Nang makita naman nilang marami talaga ang mga bading, ay tinira naman tayo sa isyu ng moralidad. Eh sino ba ang may moral pa sa panahon ngayon aber??!!!






This is the height of hypocrisy!






Ang dapat sa Comelec na ito ay binoboykot ng Sangkabadingan lalong lalo na si Mr. Nicodemo Ferrer na hindi yata alam ang ginagawa niya huh!






Sa Bibliya, si Nicodemo ang nagtanong kay Jesus ng ganito " Panginoon, paano po ba ako maliligtas?"






At ang sagot ni Jesus: " kailangan kang isilang na muli"






At ang sigaw ng Sangkabadingan: " Sundin mo ang pinakamahalagang utos ng Diyos; mahalin mo at igalang ang iyong kapwa........gaya ng iyong sarili."






Bakit Comelec, buhkeeetttttt????!!!!

No comments:

Post a Comment