Friday, October 24, 2014

Bon Voyage Bunso

Isa na namang pinsan namin ang narahuyong magtrabaho sa Gitnang Silangan , partikular sa Dubai.

Ang aming Bunsong si Rene.

Isa isa na silang umaalis ng Pilipinas upang makatikim ng mas maginhawang buhay malayo sa pamilya.


Nanduon na yata silang lahat na kapanabayan kong lumaki at tumanda dito sa Antipolo City.

Ako na lang ang natirang nakikipagpambuno sa hirap ng buhay dito sa mahal na bansang Pilipinas.

Lagi na lang ako ang naghahatid sa kanila papuntang airport.

Kailan naman kaya na ako ang ihahatid paalis ng bansa ?


Ang tanong ko : kailan kaya ako makakapangibang bansa?

May magpepetisyon ba sa akin para makapagliwaliw sa ibayong dagat ?

O dito na ako sa bansang sinilangan ko mabubulok at maaagnas ?

Itanong ko daw sa buwan at mga bituin.

: )

Thursday, October 23, 2014

Best Food Forward 2014

Me and my friend Rommel attended this years Best Food Forward event at Rockwell Powerplant Mall in Makati City last October  11 to 12, 2014.


This is an exclusive event for the most unique and best tasting foods and delicacies presented in booths and stalls inside the mall.

With a 100.00 entrance fee you can have a taste of the most exotic and ingenious food inventions you will know of.

There are several booths and stalls inside that offers the visitors various foods ranging from viands , condiments , drinks , chocolates, pastries , wines , breads , desserts and many others.

We  also get to taste several of this delicious I can say food for the gods.

Plus the exciting experience of  rubbing elbows with the rich and famous.

What me and my friend particularly amused of are the booths offering various chocolates and desserts.

It is such a successful event in terms of people attendance and food sales.


Check out the pictures here :




















See you next year .

Wednesday, October 22, 2014

Myth Of The Human Body

Sa paanyaya ng lady curator ng Myth Of The Human Body Museum na si Mam Rosse Gamban , ay nakapunta kami ng kaibigang si Rommel sa kanilang exhibit site in Boom Na Boom Grounds at the CCP Complex Roxas Boulevard Manila.

350.00 ang entrance fee both for the adults and children alike.

It has 8 divisions that depicts the 8 systems of the human body namely The Muscular System , Skeletal System , Respiratory System , Digestive System , Circulatory System, Nervous System , Reproductive System , and the Fetal System.

Each has its own unique centerpiece of a real human anatomy model like  The Runner , The Discus Thrower and their masterpiece which is The Red Man.

According to Mam Rosse , this travelling exhibition started here in The Philippines in 2011 at a site in  Fort Bonifacio Global Center.

For this year it is now located at the Boom Na Boom Complex and started just this month of July  and will commence until the next year 2015.

It is open on Tuesday to Sunday from 10 in the morning until 8 in the evening.

Mam Rosse said they have , at the time of our visit ,  7 in-house tour guides that will explain and teach us all about the exhibit and several facts about our human body.

And luckily for us we have Mel as our tour guide who is a good host.

He was able to deliver and give us firsthand information about the exhibition and more interesting facts about our human bodies.

Like what my friend said , the tour was very informative , educational , thrilling and exciting all at the same time.

We have learn many interesting facts about our own body and marveled at the wonderfulness and complexities  of the work of God in our body system.

We did understand how our body works and where the internal organs are located inside our body.

Mam Rosse said that all of this was made possible by the technology of Plastination which was invented by Gunther Von Hagens who hails from Poland.

The process of Plastination , as how Wikipedia puts it , is a technique or process used in anatomy to preserve bodies or body parts, first developed by Gunther von Hagens in 1977. The water and fat are replaced by certain plastics, yielding specimens that can be touched, do not smell or decay, and even retain most properties of the original sample.

Clearly, it was started by Gunther von Hagens 37 years ago and that is why he is regarded as the Father of Plastination.

For more information on this once in a lifetime experience, you can visit their Facebook page here Myth Of The Human Body

Or you can text or call them at this number  for reservations  and bookings for field trips and group tours

09163211445 / 09175135294

They also accept walk-ins.

This coming Halloween they have a special treat for all of you out there.


So hurry and wear your best costume and troop down to the best Halloween event you can go to for this year.

Here are some pictures to share:














Tuesday, October 21, 2014

Followland result ...

Ha ha kalokah ang Followland na ito huh.


Attractive daw ako ng 3/4 ha ha ha at least . Internet na may sabi niyan huh , very credible : )

Hmmmm , trustworthy ang baba naman . Mukha ba akong manggagantso at manunuba at manloloko at mandaraya huh .

Jealous ang taas naman sobra. Hindi ako ganiyan ka green-eyed huh. Kahit nga harap harapan nang ibinabandera ang kabit sa harap ko eh smile pa din he he he ( parang mongoloid ang peg )  : )

Intelligent , at least lagpas kalahating porsiyento. May utak din kahit papaano ha ha ha. Hindi lang halatang bobo.

Creative , hindi man lang nakakalahati . Eh very creative , imaginary at ingenious nga ako noh.

Ha ha ha  , try n'yo din , just go to his link Followland



Monday, October 20, 2014

Blogapalooza 2014

Muli na namang ginanap ang Blogapalooza 2014 at the same venue like last year sa SM Aura The Fort.


Of course present ang beauty ng lola n'yo , hindi puwedeng mawala dahil ako ang guest of honor , charot.


Siyempre ang daming bloggers ( kaya nga Blogapalooza eh shunga , alangan namang ang daming tubero ha ha ha ) at may mga na-meet din akong mga bloggers like Hoshi and AXL.

At siyempre libut  libot sa mga sponsors na bumabaha sa dami ng mga presentors at showcases.

Maxene Magalona pa huh 

NIU by Vikings

Sponsors

ang sarap ng lasagna nila 
sponsors pa din
Of course maraming freebies.

At busog sa mga pizzas ng Yellow Cab at donuts ng Krispy Kreme he he he .

nakailang balik ako dito he he 
After makakulimbat ng mga palibreng loot bags ( ako pa na timawa sa mga libre ha ha ha ) ay gora naman ako sa rooftop ng SM Aura.

Ang ganda pala dito , masarap nga ditong umawra ( kaya pala ito ang name he he )

nakakalula
 o di ba parang tiyanak lang 
kaya pala SM Aura he he
Ta-try ko sana ang Magnum Ice Cream restaurant sa rooftop eh kaso ang haba ng pila ( wooh if I knew ang totoo ay wala kang pera kaya di mo trinay ha ha ha )

After gumala gala pa ay balik na sa balur ang lola n'yo dahil sinusumpong na ako ng aking rayuma huh.

Kitakits ulit next year at sana yung iba diyan ay makasama na ( di ba Ms. Melanie he he he )

Smile : )

Sunday, October 19, 2014

Let's Ask Pilipinas

Minsan at  nakanuod ako ng programa sa TV 5 at ito ay ang Let’s Ask Pilipinas ( na patented mula sa Amerika ) ay nahalina akong sumali at maging contestant.

Simple lang naman maglaro : nasa comfort ka lang ng iyong bahay habang naka-sign in ka sa iyong Skype online  account.

Ang mga nasa studio ay ang main host na si Mr. OA o Ogie Alcasid habang ang apat na preliminary contestants ay naka-Skype lamang.

O di ba , so cool and comfy at the same time.

Online din ang registration.

First ay mag-register ka sa kanilang website.

Kapag ikaw ay tinawagan sa telepono ay dadaan ka muna sa initial online interview.

Kapag nakapasa ka sa initial ay mayruong final interview sa kanilang operations manager.

Tapos nuon ay pasok ka na sa banga.
 
Ganuon lang kadali.

Hintayin mo na lang ang tawag nila kung kailan ka maglalaro.

In my case, September 16 ang official playing date ko.

Nagsimula na ang show at ipinakilala na kami isa isa.

Sa umpisa ay apat ang maglalaro.

May dalawang pagpipiliang sagot para sa isang survey question.

Kung sino ang may pinakamaraming puntos na tamang sagot ay siyang uusad sa susunod na round.

Sa round 2 naman ay tatlo na lamang ang maglalaro.

May tatlong posibleng tamang sagot para sa isang survey question.

Sa final round naman ay dalawa na lamang kayong maglalaro na may apat na posibleng tamang sagot para sa isang survey question.

Himala ng mga himala namang nalagpasan ko ang tatlong rounds na iyan.

Ni hindi ko nga namalayan na ako na pala ang pasok para sa jackpot round.

Sa jackpot round ay mamimili ka na kung wager o all in.

Kung all-in ang pinili mo ay itataya mo ang pot money mo ( in this case ay 19,000.00 ) at if ever na tama ang sagot mo ay magiging times five ang pot money mo ( kaya magiging 95,000.00 ito )

Pero kung mali naman ang sagot mo ay saklap na wala kang maiuuwi maliban sa consolation prize.

Subalit kung wager naman ang pipiliin mo ay maglalagay ka ng  halagang itataya o ipupusta mo nang hindi bababa sa iyong pot money at kung sakaling tama ang sagot mo ay dodoblehin nila ang iyong waged money.

At kung mali naman ay ibabawas ang iyong waged money at ang matitira ay ang iyong maiuuwing premyo.

Ang pinili ko ay wager dahil sigurista ang lola n’yo he he he.

At ang aking waged  amount ay 9,000.00 ( para kung sakaling mali ay may maiuwi pa akong 10,000.00 he he )

At may isang survey question na may apat na pagpipiliang posibleng tamang sagot.

At ang survey question ay ito :

Tinanong namin ang mga beauticians , ano ang pinakabagay na hairstyle para kay Sadako?

At ang mga pagpipiliang posibleng tamang sagot ay :

A) Blond

B) Emo

C) Ponytail

D) With Bangs

Confused ang lola n’yo

Lalo pa at may time pressure.

At first time ma-televised at mapanuod sa TV ha ha ha.

Ang isinisigaw ng mga studio audience ay With Bangs.

Samantalang ang isinusubo naman ng aking dalawang pamangkin na kasama ko sa kuwarto nang mga oras na iyon ay Emo daw.


Hindi ko na alam ang isasagot ko.

Mas pinili ko ang emo dahil sabi ko ay medyo sad si Sadako. Emotional ikanga.

Yun pala ay ako ang masa-sad.

Up to the last minute ay pinagpipilian ko ang dalawang sagot, ang Emo at ang With bangs.

With bangs na ang nakataas kong sagot sana.

Kaso ang makulit at maharot kong pamangkin , bigla ba namang hinila ang With bangs ko na sagot kaya ang natira ay ang Emo na sagot na nasa ilalim nito.

At yun na nga , With bangs ang tamang sagot.

Bakit ba kasi nakinig pa ako sa dalawa kong pamangking ito huh.

Tuloy 10 kiyaw lang ang naiuwi kong panalo.

Sadako sadlak.

Hindi bale , blessings pa rin from God above he he he.

Mas mabuti nang mayruon kaysa wala.

Kung nakinig lang kasi ako kay Mr. OA eh.

Ang tigas lang kasi ng ulo ko huh.

Ewan , kinabahan siguro ako o ninerbyos.

O sadyang engot lang ang lola n’yo he he he.

At any rate , panalo pa rin naman huh.


Panuorin n’yo na lang dito ang aking kagagahan.

At huwag n’yo akong pagtatawanan please lang!










Saturday, October 18, 2014

Saboroso Cooler Delight

Sa wakas at nagbagong bihis na ang aking kaibigang si Roke Molina.

Hindi na siya ang dating dugyot at rated PG na baklang nakilala ko he he he he.

Nagbagong anyo na siya as in.

Dahil ngayon ay mayruon na siyang bagong tayong negosyo sa mataong lugar ng Gate 1 Cogeo Antipolo City.


At ang kaniyang negosyo ay ang walang kuwentang Saboroso Cooler Delight na palamigan.


Hango daw sa Italian word na " sabroso " meaning delicious , eklat ng baklang hayok.


Kung dati ay may I limos at may I makitulog ang drama ng hitad , ngayon ay donya na ang bruha.

Dahil kumikita ng 1, 200.00 a day ang foodcart ng lukaret.

business model sa left and the store manager on the right 
 At plano daw niya na makapagpatayo ng 10 booths/stall  pa bago magtapos ang taong 2014.

Ikaw na ang bongga.

Baka mai-feature ka niyan sa My Puhunan ni Karen Davila huh.

At ang title ay " ang baklang umahon mula sa putikan " he he he he.

On the serious side , bilib naman talaga ako kay Mareng Roke dahil at least ngayon ay natututo na siyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa.

Hindi katulad dati na laging nakasandal sa mga tito at tita niya huh.

si Roke ( the owner ) ang baklang nakatalikod at may-ari ng dambuhalang puwet he he he
At desidido na rin siyang ituwid ang kaniyang baluktot at liku-likong landas at sumunod sa yapak ni Pnoy na daang matuwid.

Out na muna ang mga mensung na laging nakaabang ang paysung at akala mo ay palaging may patabing pera sa iyo kung makahingi.

At ang mga friends na friend ka lang kapag merun ka , pero 'pag nganga ka na ay hindi ka kilala at mga bad influence pa.

Suportado kita diyan friend at wish ko na sana ay lumago at lumaki pa ang negosyo mo at matupad mo din ang mga pangarap mo.

Who knows baka dumating ang time na mas mayaman ka na sa akin , charot he he he.

Paarbor naman ng isang booth kapag naka 100 stores ka na nationwide he he he.

At salamat sa Czyrah's Pizza nga pala he he he.



Sabroso nga talaga ito.

Franchise na dali!